|
reward
Dec 13, 2007 7:20:09 GMT 8
Post by Rainmaster Kaide on Dec 13, 2007 7:20:09 GMT 8
Ano ang mga Bagay na Masarap sa Pagiging isang Guro?
|
|
|
reward
Dec 13, 2007 8:24:22 GMT 8
Post by Rainmaster Kaide on Dec 13, 2007 8:24:22 GMT 8
Hindi ko masasabing naging masarap ang maikling panahon ng pagiging (kunwari) titser. Marami ring gabing iginugol ko sa pag-aaral ng mga araling itinuturo. Marami ring mga salaping nagastos. At madaming-madaming pasaway na mga studs.
Pero kahit na ganun ang naging karanasan ko, bawing-bawi naman ako sa reward ng pagiging teacher.
One week bago matapos ang practice teaching ko, kinausap ko na ang mga studs. Hindi bilang teacher nila kundi parang big brother. Simple lang ang naging mga panghuli kong salita sa kanilang lahat. Nasa eskwelahan ka na, kunin mo na ang lahat ng pagkakataon para matuto. Noon ko lang din sila nakausap tungkol sa mga bagay na iniisip nila at mga gusto nila. Nakakatuwang malaman na isa ka sa mga taong tatatak sa buhay nila (at least for a certain period of time). Bilang pagpapayaman sa sarili (hindi pagtitinda ng tocino kundi ng karunungan) hiningian ko sila ng mga reaksyon at suhestyon sa akin para magaling na teacher. Iyong iba, walang kwenta. Iyong iba, may kwenta. Iyong iba, mabuti pang ginamit na toilet paper. Hay!
Pero may mga ilang mensaheng rin namang itinago kong yaman bilang minsan ay naging guro. Hindi kayang bayaran ng salapi ang mga makitang natututo ang mga studs mo.
Sir, gusto kong maging magaling na teacher na tulad mo (bola). Gusto ko sanang sabihin kung alam mo lang, ako ang pinakalatak sa buong klase namin. Kilala sa pagiging absenero at laging late. Babala. Pasaway. Huwag Tularan.
Magiging magandang alaala ka ng pagiging bata namin. Sige lang kasi ipinasa ko silang lahat.
Sana grumadyet ka na para maging teacher ka na namin. Para lagi tayong hapi hapi. tagay pa sir! joke! Sadly, di pa rin successful, kaya yun hanggang ngayon di pa rin makapagturo ng legal.
Minsan exagerated mang pakinggan pero alam mo naman sa sarili mong, once in our life we've touched their lives.
" Naglalakad ako sa ground ng School kasama ang kapatid ko. Last day ko na. Napadaan ako sa court kung saan nagsasanay sa PE ang isa sa mga klaseng hinawakan ko. Matapos nilang makitang papadaan ako, huminto sila (kahit alam nilang may teacher sa harapan na nagde-demo). 'Sir, bye sir!' Lahat sila ihininto ang ginagawa para lang magpaalam. Nakakahiya on the part na na bypass ang teacher nila dahil lang dumaan ako (well, iba na ang sikat). "
Isa sila sa mga notorius na klaseng hinawakan ko at naging sakit ng ulo dahil sa pag-aaway, pagsusugal at pangongopya. pero bigla akong nalungkot. Di ko maipaliwanag (sad music playing in the background). Parang napamahal na rin sa akin ang mga studs ko. Napamahal na rin sa akin ang pagtuturo.
Naisip ko rin ng panahong iyon, nami miss ko ang mga mokong na iyon. Mamimiss ko ang pagiging teacher.
Tapos sabi ko, pag laki ko magiging teacher din ako.. [/color]
|
|
|
reward
Dec 24, 2007 14:14:00 GMT 8
Post by Lei Den Jun on Dec 24, 2007 14:14:00 GMT 8
when you know that someone learns from you, and specially when they improve themselves becuz of you
|
|